Uupo si Department of Finance (DOF) Undersecretary Rolando T. Ligon Jr. bilang bagong Commissioner ng Bureau of Internal Revenue (BIR), kapalit ni Charlito Martin R. Mendoza na tinanggap ang pagkakatalaga bilang susunod na Bureau of Customs (BOC) chief.
Kasalukuyang pinamumunuan ni Ligon ang Revenue Operations Group ng DOF (ano itong DOF?) na nangangasiwa sa BIR at BOC. Isang tax lawyer at Certified Public Accountant (CPA) si Ligon na humawak na rin ng iba't ibang posisyon sa pamahalaan.
Nagtapos siya ng Juris Doctor sa Ateneo de Manila University, nag-aral ng international business, trade, and tax law sa Harvard Law School, at nagtapos ng accounting degree sa De La Salle University.

