Pinag-aaralan ng Korte Suprema ang pagpatay kay Basilan Regional Trial Court Branch 2 Presiding Judge Joseph Wee Sit, na binaril sa Tumaga-Putik Road, Barangay Tumaga, Zamboanga City nitong Huwebes, Nobyembre 12.
Ayon sa Korte Suprema, nakikipag-ugnayan ito sa mga law enforcement agency upang matukoy ang mga responsable sa krimen.
Inatasan naman ni Chief Justice Rodil Zalameda ang Office of the Court Administrator na makipag-ugnayan sa pamilya ni Sit at magbigay ng pinansiyal na tulong.
Binigyang-diin din ng Korte Suprema ang kahalagahan ng kaligtasan at kalayaan ng mga hukom sa pagtupad sa kanilang tungkulin.
📷: PNA

