Inilalaan ng Loss and Damage Fund ang $20 milyon para sa rehabilitasyon ng Nepal kasunod ng nakamamatay na flash flood na kumitil ng maraming buhay noong Agosto.
Bahagi ito ng pagsisikap na matulungan ang mahihirap na bansang matinding naaapektuhan ng mga kalamidad na dulot ng climate change. Patuloy ding pinag-aaralan kung paano mas mabilis na maipaaabot ang tulong sa mga nangangailangang bansa.
Gayunman, aminado ang mga co-chair ng Loss and Damage Fund na kulang pa ang kasalukuyang pondo upang matugunan ang bilyun-bilyong dolyar na kinakailangan ng mga apektadong bansa.
Sa ngayon, umabot na sa $822 milyon ang mga ipinangakong kontribusyon ng mayayamang bansa, ngunit wala pang naipamamahaging tulong mula nang itinatag ang pondo.
📷: Reuters

