Comelec, pansamantalang sususpindihin ang voter registration at pag-iisyu ng voter certification sa mga tanggapan nito sa Metro Manila mula Nobyembre 16 hanggang 18 dahil sa work-from-home arrangement kaugnay ng ASEAN Summit.
Saklaw nito ang local at overseas voter services, habang mananatiling bukas ang mga Comelec office sa labas ng Metro Manila.


