Nagpapatuloy ang martsa ng mga Lakbayanis mula Alabang patungong Sucat sa Muntinlupa City upang dalhin sa Metro Manila ang panawagan ng mga komunidad sa Southern Tagalog.
Ipinaglalaban nila ang karapatan sa lupa at kabuhayan, pangangalaga sa kalikasan, at sapat na serbisyong panlipunan. Tinututulan din nila ang mga proyektong pangkaunlaran na anila'y nagdudulot ng demolisyon, pagpapalayas sa mga residente at pagkasira ng kapaligiran.
Matapos ang programa sa Muntinlupa, magkakampo ang delegasyon sa Liwasang Bonifacio bilang bahagi ng mga protesta bago ang pagdating ni U.S. President Donald Trump para sa 49th ASEAN Summit.

