Magpapatuloy ang road reblocking at asphalt overlay sa southbound EDSA, mula Caloocan hanggang Quezon City, sa Nobyembre 13–15 bilang bahagi ng EDSA Rehabilitation Project Phase 2 ng DPWH.
Inaasahang muling bubuksan ang mga kinukumpuning bahagi pagsapit ng alas-5 ng umaga sa Nobyembre 16, bago ang 49th ASEAN Summit. Mananatiling bukas ang iba pang lane kaya pinapayuhan ang mga motorista na mag-ingat at gumamit ng alternatibong ruta.

