Nasawi ang dalawang babae habang sugatan naman ang isa pa matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Barangay Upper Ulip, Monkayo, Davao de Oro, pasado alas-2 ng hapon nitong Huwebes, Nobyembre 12.
Ayon sa ulat ng Monkayo Municipal Police Station, nangyari ang aksidente sa isang palikong bahagi ng kalsada malapit sa Landing 14. Nawalan umano ng kontrol sa pagliko ang nagmamaneho dahilan upang mahulog ang motorsiklo sa bangin.
Agad na dinala sa pagamutan ang nakaligtas na sugatang biktima. Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. | via Haydee Jipolan


