Maaaring isama ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pahayag ng ASEAN Chair ang update sa negosasyon para sa Code of Conduct (COC) sa South China Sea sakaling hindi matapos ang pag-uusap sa loob ng nakatakdang panahon, ayon sa mga diplomatikong sangay ng ASEAN.
Maaari ring maglabas ng hiwalay na pahayag ang ASEAN, depende sa pagkakasunduan ng mga partido. Inaasahang ilalabas ang ASEAN Chair’s Statement sa huling araw ng summit.
Nauna nang sinabi ni Foreign Affairs Secretary Theresa Lazaro na target ng ASEAN na matapos ang negosasyon sa isang epektibo at makabuluhang COC sa ilalim ng pamumuno ng Pilipinas.
Halos 17 taon nang isinasagawa ang negosasyon para sa kasunduang naglalayong magtakda ng mga tuntunin sa mapayapang pagresolba ng mga sigalot sa South China Sea.
📷: PCO


