Maagang nagpatupad ng price rollback ang ilang kumpanya ng liquefied petroleum gas (LPG) bago ang nakatakdang buwanang adjustment dahil sa pagbaba ng presyo nito sa international market.
₱44 ang ibinawas ng Petron Gasul at Fiesta Gas sa bawat 11-kilong tangke, habang ₱4 kada kilo naman ang rollback ng Solane.
Samantala, magpapatupad ng lingguhang bawas-presyo ang Regasco, na nagsimula sa ₱2 kada kilo.
Ayon kay Regasco President Arnel Ty, pinayagan ng Department of Energy ang maagang rollback na isasama sa nakatakdang price adjustment sa Disyembre kung magpapatuloy ang pagbaba ng presyo sa pandaigdigang merkado.
📸: Reuters


