Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dadalo si US President Donald Trump sa ASEAN-US Special Summit sa Nobyembre 17, na bahagi ng tatlong araw na pagpupulong ng mga lider ng ASEAN at kanilang mga dialogue partners sa Pilipinas.
Gaganapin ang 49th ASEAN Summit mula Nobyembre 16 hanggang 18 sa Philippine International Convention Center sa Pasay City. Tatalakayin ang mga usaping panrehiyon at pandaigdig, kabilang ang sitwasyon sa Myanmar.
Makikibahagi rin sa mga pagpupulong ang mga lider mula sa iba't ibang bansa, kabilang ang China, Japan, South Korea, India, Australia, New Zealand at Russia. Kabilang sa mga pangunahing aktibidad sa Nobyembre 17 ang 29th ASEAN Plus Three Summit at 21st East Asia Summit.
Magtatapos ang pagtitipon sa pormal na paglilipat ng ASEAN chairmanship sa Singapore, bago ang ASEAN-US Special Summit na dadaluhan ni Trump.
📷: Reuters


