Sinuspinde nang anim na buwan ng Office of the Ombudsman si Rosario, Cavite Mayor Jose Voltaire Ricafrente dahil sa umano’y pagsusugal sa isang casino sa Bacolod City.
Batay sa imbestigasyon, nakita umano si Ricafrente sa casino noong Marso 14 kasama ang apat na iba pa. Bumili umano siya ng ₱30,000 halaga ng casino chips at nanalo ng ₱10,000 bago umalis.
Ayon sa Ombudsman, may matibay na ebidensiya laban sa alkalde at nilabag umano niya ang batas na nagbabawal sa mga opisyal ng gobyerno na pumasok at magsugal sa mga casino.
Wala muna siyang matatanggap na sahod habang dinidinig ang kasong administratibo. Gayunman, hindi pa ito nangangahulugang napatunayang nagkasala siya.
📷: Mayor Ricafrente / FB


