Nagsagawa ng magkakahiwalay na kilos-protesta ang mga estudyante mula sa ilang unibersidad sa Maynila ngayong Biyernes, Nobyembre 13, upang ipahayag ang pagtutol sa planong Pax Silica.
Nagtipon ang mga estudyante ng Far Eastern University (FEU) sa tapat ng main gate ng unibersidad sa Morayta dakong alas-2:15 ng hapon at nakatakdang magmartsa patungong Mendiola. Nagsagawa rin ng campus walkout ang mga estudyante ng University of the Philippines Manila bilang bahagi ng protesta.
Nanawagan din ang mga student group sa University of Santo Tomas, De La Salle University at iba pang pamantasan na makiisa sa mga pagkilos laban sa naturang inisyatiba.
📸: Earlo Bringas, Marlon Trinidad
via Hannah Dominique Santos


