Bitbit ang panawagang “Lupa sa magsasaka, hindi sa Pax Silica,” nagsagawa ng kilos-protesta ang mga estudyante ng University of the Philippines Manila sa gitna ng Taft Avenue ngayong Biyernes, Nobyembre 13.
Tinututulan ng mga nagpoprotesta ang panukalang Pax Silica dahil sa pangambang maapektuhan nito ang mga lupain at kabuhayan ng mga magsasaka at katutubo. Nanawagan sila ng pagkilala sa karapatan ng mga magsasaka sa lupa.
Dahil sa kanilang pagkilos, pansamantalang nahirapang makadaan ang ilang sasakyan sa naturang intersection.
via Hannah Dominique Santos

