Nakararanas ng aberya ang mga user sa iba't ibang bansa, partikular sa United States, sa paggamit ng Microsoft 365, Outlook at Teams nitong Biyernes ng madaling araw, Nobyembre 13, oras sa Pilipinas, ayon sa Downdetector.
Sa inisyal na ulat, nakapagtala ang website ng mahigit 97,000 report ng problema sa Outlook, mahigit 38,000 sa Microsoft 365 at nasa 4,500 sa Teams, karamihan mula sa mga user sa United States.
Ayon sa Microsoft, unti-unti na nilang naibabalik ang mga apektadong server at inililipat ang ilang koneksyon sa ibang sistema.
Nadamay din sa aberya ang koneksyon ng AI services ng OpenAI at Anthropic sa Microsoft 365. Iniimbestigahan din ng dalawang kumpanya ang problema sa kanilang mga serbisyo.
📷: Reuters


