Nasa 14 katao ang nasawi habang 38 iba pa ang sugatan sa karambola ng 23 sasakyan sa Fujairah, United Arab Emirates.
Ayon sa UAE Interior Ministry, nawalan ng kontrol ang isang truck at bumangga sa ilang sasakyan. Dahil sa lakas ng banggaan, nasunog din ang truck.
Dinala sa ospital ang mga nasugatan habang sumasailalim sa DNA test ang mga biktima upang makilala. Karamihan sa mga nasawi ay Emirati nationals, habang ang ilan ay mga Indian.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng aksidente.
📷: Reuters



