Nagtapos ang kilos-protesta ng mga estudyante sa kahabaan ng Kalaw-Taft Avenue, kung saan nagtipon ang mga grupo mula sa UP Manila, Technological University of the Philippines (TUP), University of the Philippines (UP), Adamson University at San Beda College.
Sa kabila ng pagtatapos ng kanilang pagkilos sa Taft, sinabi ng mga nagprotesta na magpapatuloy ang kanilang mga panawagan laban sa Pax Silica at iba pang mga isyung kanilang tinututulan.
Samantala, batay sa mga ulat, magtatayo naman ng protest camp sa Liwasang Bonifacio ang mga estudyante mula sa iba't ibang unibersidad. Plano nilang manatili roon hanggang Nobyembre 16 upang ipagpatuloy ang kanilang mga panawagan.
📷: Hannah Dominique Santos
via Erin Fionah Santos


