Hinamon ni Senator-judge Robin Padilla ang prosekusyon na siyasatin din ang pamumuhay ng mga mambabatas sa Kamara. Partikular niyang tinukoy ang mga umano’y gumagamit ng mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng ₱16 milyon hanggang ₱22 milyon.
Ito ay matapos talakayin ng prosekusyon ang pagbili ni Atty. Manases “Mans” Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte, ng mga sapatos na nagkakahalaga ng ₱256,882 sa Malaysia.
Kinuwestiyon ni Padilla kung bakit nakatuon ang pagsusuri sa naturang pagbili gayong mayroon ding mga mambabatas na gumagastos ng milyon-milyong piso.
Giit ng senador, dapat patas ang pagsusuri sa pamumuhay at paggastos ng lahat ng opisyal ng gobyerno, anuman ang kanilang posisyon.
📷: Senate


