Lumagda ngayong Nobyembre 14 ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at Asian Development Bank (ADB) sa isang Memorandum of Understanding (MOU) sa Pasay City.
Layunin ng kasunduan na palakasin ang pagtutulungan ng dalawang panig para suportahan ang paglago ng ekonomiya, palalimin ang ugnayang pangkalakalan at isulong ang pag-unlad sa rehiyon ng Southeast Asia.
