Naibalik na sa pamahalaan ang ₱866.38 milyon na pondo mula sa maanomalyang flood control projects, ayon sa Department of Justice (DOJ).
Ayon kay DOJ Undersecretary Raul Vasquez, nagmula sa mga nagpanukala sa Bulacan case ang naturang halaga na naideposito na sa Bureau of the Treasury hanggang Oktubre 2026.
Patuloy namang hinihikayat ng DOJ ang mga indibidwal na sangkot sa mga kaso na isauli ang mga nakuhang pondo upang maging kuwalipikado sa Witness Protection Program. Nilinaw ng ahensya na walang itinakdang target na halaga ng pagsasauli.
Sa kabuuan, 29 na kaso na ang hinawakan ng DOJ kaugnay ng flood control scandal, kabilang ang mga kasong malversation, graft, at tax evasion.
