Pansamantalang pinatigil ang mga flight sa buong United States dahil sa aberya sa telecommunications system na ginagamit ng mga air traffic control center.
Ayon sa mga opisyal, wala pang indikasyong may kinalaman ito sa anumang sadyang pag-atake at wala ring naiulat na panganib sa kaligtasan ng mga pasahero.
Batay sa datos ng aviation analytics firm na Cirium, nasa 481 flight na ang nakansela o hindi nakalipad sa loob ng tatlong oras mula sa kanilang scheduled departure, hanggang alas-4:40 ng hapon noong Biyernes (Eastern Time). Naging sanhi rin ito ng pagkaantala sa biyahe ng maraming pasahero sa buong bansa.



