Kinilala bilang World's Best Cheese ang isang kesong mula sa France na 24-month aged, matapos magwagi sa isang pandaigdigang kompetisyon sa Spain.
Gawa ito sa unpasteurized na gatas ng kalabaw mula sa rehiyon ng Comté at inilarawang may mala-nut na lasa, madaling madurog at masalimuot na timpla.
Ayon sa mga hurado, namukod-tangi ang keso sa mahigit 5,330 kalahok mula sa 45 bansa. Kabilang sa mga finalist ang mga produkto mula sa Italy, Switzerland at Spain.
Isa sa 14 na hurado na si Spanish cheese expert Rafael Domínguez González ang nagpahayag ng paghanga sa kakaibang katangian ng nagwaging keso.


