Iniutos ni Chief Justice Rodil V. Zalameda na ibaba sa half-mast ang mga watawat sa lahat ng korte sa bansa noong Biyernes, Nobyembre 13, bilang pakikiramay sa pagpanaw ni Judge Joseph Wee Sit at pagpupugay sa mga hukom na nasawi habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.
Si Judge Wee Sit ay presiding judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 2 sa Isabela City, Basilan. Binaril siya ng mga lalaking sakay ng motorsiklo habang nagmamaneho sa Barangay Tumaga, Zamboanga City, noong Nobyembre 12.
Samantala, nakikipagtulungan na ang Office of the Judiciary Marshals sa mga awtoridad para matukoy ang mga nasa likod ng pamamaslang. Inatasan din ni Zalameda ang mga kinauukulang opisyal ng hudikatura na magbigay ng tulong sa pamilya ng nasawing hukom.
