Ipinagbabawal ang pagpapalipad ng drone sa Clark Freeport Zone sa Pampanga at Subic Bay Freeport Zone mula Nobyembre 15 hanggang 18 bilang bahagi ng pinaigting na seguridad para sa 49th ASEAN Summit na gaganapin sa Pilipinas sa kaparehong mga petsa.
Saklaw ng pagbabawal ang recreational, commercial at iba pang drone operations na walang pahintulot. Ayon sa Philippine National Police (PNP), layunin nitong maiwasan ang anumang banta sa seguridad at matiyak ang kaligtasan ng mga delegado, opisyal at publiko. Hinimok ang mga drone operator at hobbyist na mahigpit na sumunod sa no-fly restriction sa itinakdang panahon.



