As of 2:00 p.m., ang low pressure area (LPA) east of Northern Luzon ay naging Tropical Depression “Neneng” na ngayong Martes, Agosto 18, ayon sa PAGASA.

Batay sa huling ulat nitong 5:00 p.m., inaasahang mananatiling malayo sa Philippine landmass ang Bagyong Neneng at mababa ang posibilidad na mag-landfall sa bansa. Maaari itong humina bilang remnant low pagsapit ng Huwebes, Agosto 20.
Gayunman, patuloy na makaaapekto ang pinalakas na habagat na magdadala ng malalakas na bugso ng hangin at pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa.
📷: PAGASA
