Magpapatupad ng nationwide gun ban ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Lunes, Hulyo 27, kasabay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon sa NCRPO, suspendido rin ang Permits to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR), habang ipatutupad ang No Fly Zone at No Drone Zone sa mga itinalagang lugar.
Pinaigting din ng pulisya ang seguridad sa pamamagitan ng mas mahigpit na monitoring, pagbabantay sa mga pangunahing ruta, at pagpapakalat ng mga police at emergency response teams.

