Magkakaroon ng sariling exhibit ang Golden State Warriors star na si Stephen Curry sa Naismith Memorial Basketball Hall of Fame bilang pagkilala sa kaniyang karera sa kasaysayan ng National Basketball Association (NBA).
Ito ang unang pagkakataon sa halos 75 taong kasaysayan nito na maglalaan ng isang exhibit para sa active player.
Tampok sa "Stephen Curry: Beyond the Arc" ang mga video, memorabilia, at kuwento ng kaniyang journey sa basketball, mula noong kaniyang paglalaro sa kolehiyo hanggang sa pagiging apat na beses na NBA champion kasama ang Golden State Warriors.
📸: Reuters

