Naglabas ng show cause order ang Land Transportation Office (LTO) Region 7 laban kay Dumanjug, Cebu Mayor Efren Guntrano Gica matapos ang viral vehicular accident sa Minglanilla, Cebu kung saan nakitang nag-counterflow ang kaniyang motorsiklo at bumangga sa isang van.
Ayon sa LTO, lumabag ang alkalde sa Land Transportation and Traffic Code, kabilang ang reckless driving at pagmamaneho ng motorsiklong walang naka-display na plaka.
Habang isinasagawa ang imbestigasyon, isinailalim sa 90-day preventive suspension ang driver's license ni Gica at inatasan siyang magsumite ng sinumpaang paliwanag sa loob ng limang araw.
Wala namang kasong isinampa matapos magkasundo ang dalawang panig at pumayag ang alkalde na sagutin ang gastos sa pagkumpuni ng van.
📽️: Jigo Dacua



