Ipinagpaliban ni South Korean singer-actress na si IU ang kaniyang concert sa Setyembre, pati ang paglabas ng kaniyang ikaanim na studio album matapos lumala ang iniindang ear disease.
Sa isang pahayag, sinabi ni IU na pansamantala muna niyang ihihinto ang ilan sa kaniyang mga scheduled event dahil sa paglala ng sintomas ng patulous Eustachian tube syndrome, isang kondisyon na matagal na niyang iniinda.
Nangako naman ang South Korean star na babalik matapos ang kaniyang gamutan.
📸: IU/ Instagram

