Patuloy na isinasagawa ang clearing operations sa mga kabahayan sa Dinalupihan, Bataan na napinsala ng matinding pagbaha noong Martes, Setyembre 8.
Kabilang sa lubhang naapektuhan ng rumagasang baha na may kasamang bato at putik mula sa kabundukan ang Lincoln Heights Subdivision sa Barangay San Pablo at Barangay Pinulot.
Ilang bahagi ng subdivision ang nasira at lumitaw din ang ilang sinkhole matapos ang pagbaha.
Patuloy na nananawagan ang mga residente sa pamahalaan dahil sa paulit-ulit na pagbaha na nakaaapekto sa kanilang kabuhayan.
📷 via Larry Biscocho



