Magkakahiwalay na naaresto ng Quezon Police Provincial Office (QPPO) ang 10 wanted person sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Quezon noong nakaraang linggo.
Kabilang sa mga nahuli ang tatlong Provincial Most Wanted Persons sa Sariaya na may mga kasong rape. Naaresto rin ang iba pang wanted person sa Pagbilao, Lucban, Padre Burgos, Alabat at Tayabas City dahil sa mga kasong estafa, attempted homicide, other deceit, illegal gambling, qualified theft, at reckless imprudence resulting to homicide at damage to property.
📷 Quezon Police Provincial Office (QPPO)
📹 via Leslie Ann Dimaano



