Arestado sa Mexico, Pampanga ang isang 40-anyos na illegal recruiter na nahaharap sa kasong syndicated illegal recruitment o economic sabotage. Mahigit 50 complainant ang nagtungo sa pulisya matapos mabalitaang nahuli ang suspek.
Ayon sa pulisya, tinatayang 1,700 aplikante ang nabiktima ng suspek na nangakong makapagpapadala ng mga manggagawa sa Europa. Siningil umano ang mga biktima ng ₱80,000 hanggang ₱300,000 na placement fee, ngunit marami ang umabot ng halos dalawang taon ngunit hindi pa rin nakaalis ng bansa.

Lumabas din sa imbestigasyon na may 24 na naunang kasong kriminal ang suspek. Patuloy ang paalala ng mga awtoridad na beripikahin muna sa POEA at OWWA ang mga recruitment agency kung lehitimo ang mga ito. | via Jim Tejano
📸: QCPD PS8




