Nagbabala ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) laban sa kumakalat na quishing scam kung saan gumagamit ang mga scammer ng pekeng QR code upang makuha ang sensitibong impormasyon ng mga biktima.
Ayon sa ahensya, nagpapanggap ang mga ito na nagbibigay ng ayuda bago magpadala ng QR code na maaaring malimas ang pera mula sa e-wallet accounts ng kanilang mga bibiktimahin.




