"I MAKE NO EXCUSES."
Inamin ni Dumanjug, Cebu Mayor Efren Gungun Gica ang nagawang pagkakamali na kinadangkutan Niya sa isang road accident sa Minglanilla sa Cebu noong Linggo, Hulyo 19.
Sa pahayag na inilabas sa kaniyang Facebook page, sinabi ng alkalde na handa siyang harapin ang lahat ng legal na pananagutan at parusa kaugnay ng insidente.
Nangako rin ang alkalde na sasagutin nito ang lahat ng pinsala at agad na magbibigay ng kaukulang kabayaran sa mga naapektuhan.
📸: Mayor Gungun Gica/Facebook




