Nasagip ng mga awtoridad ang isang sugatang palm civet o musang matapos itong i-post for rescue sa social media nang maligaw sa loob ng isang tindahan sa Las Piñas City, kung saan una itong napagkamalang ligaw na pusa.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), may problema ang mga mata ng musang kaya agad itong dinala sa Wildlife Rescue Center ng Biodiversity Management Bureau.

Iniimbestigahan din ng ahensya ang umano'y nagsasabing may-ari ng hayop matapos mabigong magpakita ng Certificate of Wildlife Registration, na kinakailangan sa ilalim ng Wildlife Resources Conservation and Protection Act.
Patuloy ding inaalam ng DENR kung saan nagmula ang musang upang maibalik ito sa kaniyang natural habitat.
📸: James Matinagnos




