Nagsagawa ng inspeksyon ang Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Laguna de Bay sa Pililla, Rizal matapos maiulat ang malawakang fish kill nitong Hulyo 21.
Sa inisyal na obserbasyon ng mga ahensya, iniuugnay sa pagdami ng algae, pagtaas ng temperatura ng tubig, at mahinang pagdaloy ng hangin ang pagkamatay ng mga isda tulad ng bighead carp at bangus.
Napansin din ang pagbabago sa kulay ng tubig na ikinabahala ng mga mangingisda at residente sa lugar. Patuloy pang sinusuri ng mga awtoridad ang insidente.
📷: Coast Guard Pililla

