Isang napakabihirang pangyayari ang nasaksihan sa Brisbane, Australia matapos manganak ang isang 34-anyos na ina ng apat na identical baby girls noong Hulyo 14.
Sa pamamagitan ng cesarean section, ligtas na isinilang sa Royal Brisbane and Women's Hospital ang quadruplets na sina Emily, Harriet, Alexa, at Catherine.
Ayon sa mga espesyalista, ang pagkakaroon ng identical quadruplets ay isang extremely rare at high-risk pregnancy. Sa kabila nito, nasa maayos na kondisyon ang apat na sanggol at kasalukuyang inaalagaan sa neonatal intensive care unit (NICU).

