Nabahala ang European Union (EU) sa naganap na komprontasyon ng Philippine Navy at China Coast Guard sa Ayungin Shoal, kung saan nasugatan ang dalawang tauhan ng Philippine Navy.
Nagbabala ang EU laban sa anumang hakbang na maaaring magpalala ng tensyon sa South China Sea.
Sa pahayag nito, muling iginiit ng EU na ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang dapat maging batayan sa mga aktibidad sa karagatan at kinikilala nito ang 2016 Arbitral Award.
Hinikayat din ng EU ang lahat ng panig na resolbahin ang mga sigalot sa pamamagitan ng mapayapang diyalogo at alinsunod sa internasyonal na batas.
📷: Philippine Navy

