Nag-negatibo sa gun threat ang Pasay East High School sa Pasay City ngayong Hulyo 23.
Ayon sa Pasay City Public Information Office, nakatanggap ng pekeng gun threat sa Facebook ang naturang paaralan. Mabilis namang rumesponde ang Pasay City Police at na-clear ang lugar sa anumang banta.
Ipinag-utos naman ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang pagpapaigting ng seguridad at kaligtasan sa paaralan.
| via Frank Harvey Marasigan
📷: Pasay City Public Information Office

