Posibleng maharap sa reklamong attempted homicide ang isang motorcycle rider nang makuhanan ng video na sinipa niya ang dalawang siklista habang bumibiyahe sa Manila East Road sa Binangonan, Rizal.
Ayon sa ulat, nag-ugat ang insidente sa umano'y alitan sa kalsada matapos muntik nang mabangga ng rider ang grupo ng mga siklista. Nagtamo ng mga sugat ang isa sa mga biktima matapos matumba.
Isinuko naman ng ina ang 28-anyos na suspek, na umaming nakainom siya bago nangyari ang insidente. Pansamantala siyang pinauwi habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya.
📹: Ailyn Mhaie
