Umakyat na sa 53 ang bilang ng mga nasawi sa paglubog ng isang ferry sa baybayin ng Guyana, South America, matapos madagdagan ang mga bangkay na narekober ng mga awtoridad.
Ayon sa pamahalaan ng Guyana, 179 katao ang sakay ng ferry nang ito'y tumaob noong Sabado, Hulyo 18.
Patuloy ang search and rescue operations sa tulong ng 16 na sasakyang-pandagat at mga diver mula sa France at Guyana.
Inaalam pa ng mga awtoridad kung ang maling passenger manifest at hinihinalang paggamit ng droga ng ilang crew ang naging sanhi ng insidente.
📷: Reuters

