Nasawi ang isang 22-anyos na lalaki nang malapitan siyang barilin habang naghihintay ng kaniyang order sa isang burger outlet sa Lala, Lanao del Norte.
Ayon sa pulisya, kasama ng biktima ang kaniyang asawa nang lapitan siya ng suspek at dalawang beses na barilin sa ulo. Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara ring dead on arrival. Mabilis na tumakas ang salarin sakay ng motorsiklo.
Naglunsad na ng operasyon ang pulisya upang matukoy at maaresto ang suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa motibo ng krimen.

