Mayroon na umanong person of interest ang pulisya sa pagkamatay ng 30-anyos na babaeng natagpuan sa loob ng refrigerator sa Rodriguez, Rizal.
Ayon sa pulisya, may tali sa leeg ang biktima at posibleng sinakal ito. Tinatayang limang araw na itong patay bago natagpuan.
Walang bakas ng sapilitang pagpasok sa apartment, ngunit iniimbestigahan ang boyfriend ng biktima na hindi na umano nagpapakita sa may-ari ng apartment. Pinaghihinalaan ring peke ang mga ID ng biktima.
Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang suspek sa krimen.
📹 via Jim Tejano
📷 Rodriguez Rizal PPO



