Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na nakaalis na ng Pilipinas si Joselyn Serenio, ang dating personal assistant ni Leyte Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez, na kapwa nahaharap sa ₱7.4 bilyon kasong plunder.
Ayon sa BI, umalis si Serenio bago mailabas ng Sandiganbayan ang hold departure order (HDO) laban kina Romualdez, Serenio, dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, at Felicito Cristobal Guevarra.
Samantala, nasa bansa pa rin si Guevarra at Romualdez habang si Co ay matagal nang nakalabas ng Pilipinas.
📷 Sandiganbayan Pool


