Nakatanggap ng bomb threat ang Quezon City Government na ipinadala sa kanilang official Facebook page.
Ā
Agad itong ini-report sa Quezon City Police District (QCPD) at sa Safety and Security Cluster ng lungsod. Bilang bahagi ng security protocols, nagsagawa ng sweeping, paneling at inspection sa buong Quezon City Hall compound at sa mga gusali nito.
Ā
Wala namang nakitang kahina-hinalang bagay o sitwasyon sa isinagawang pagsusuri.
Ā
Sa kasalukuyan, iniimbestigahan ang pinagmulan ng banta upang matukoy ang responsable at mapanagot sa batas.
Ā
š· Quezon City Government

