Hinimok ni Davao City 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) na tiyaking hindi “selective” ang isinasagawang imbestigasyon sa flood control projects.
Ito ay matapos sabihin ng NBI na may “red flags” sa 47 sa 100 flood control projects sa distrito ni Duterte, kabilang ang mga umano’y ghost at substandard projects na pawang iginawad sa Genesis88 Construction Inc.
Iginiit ni Duterte na dapat ilahad sa publiko ang mga ebidensya at pare-parehong imbestigahan ang mga kahina-hinalang proyekto sa lahat ng lugar sa bansa.

