Nasawi ang isang pulis sa isinagawang anti-drug operation sa Brgy. San Esteban, Dasmariñas City, Cavite noong Lunes ng gabi. Kinilala ang nasawi na si Police Corporal Anthony John Martinez ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RDEU)-4A.
Ayon sa pulisya, naghinala umano ang isa sa mga suspek habang isinasagawa ang buy-bust operation at pinaputukan si Martinez, na naging sanhi ng kaniyang pagkamatay.
Gayunpaman, naaresto ang target ng operasyon na si alyas "Jun," at nakatakas ang tatlo niyang kasama na patuloy pang pinaghahanap ng mga awtoridad. Narekober din sa lugar ang pitong sachet ng hinihinalang shabu na sasailalim pa sa laboratory examination. | via Jim Tejano

