Hinimok ng election lawyer na si Atty. Romulo Macalintal si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-veto ang panukalang nagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na nakatakda sanang isagawa sa Nobyembre 2.
Ayon kay Macalintal, maaaring lumabag sa karapatan ng mga botante ang panibagong pagpapaliban ng halalan at pagpapahaba sa termino ng mga kasalukuyang barangay at SK officials.
Kinuwestiyon din niya ang dahilan ng Kongreso sa ikalawang pagpapaliban ng BSKE, lalo’t nakahanda na ang Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng halalan.
Sinabi ng Comelec na patuloy ang paghahanda nito habang wala pang batas na pormal na nagpapaliban sa halalan. Samantala, sinabi ng Malacañang na rerepasuhin muna ni Marcos ang mga probisyon ng panukala bago magdesisyon.
📷 SK Catarman



