Umabot sa 40 na pamilya ang naapektuhan ng sunog na sumiklab sa BF Martinville, Brgy. Manuyo Dos, Las Piñas nitong Miyerkules ng gabi, Nobyembre 11.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), itinaas sa ikatlong alarma ang sunog bago ito tuluyang naapula kaninang 3:25 a.m., Nobyembre 12.
Iniimbestigahan pa ang sanhi at pinagmulan ng apoy pati ang kabuuang pinsala sa mga ari-arian.
📷 Philippine Emergency Alerts

