Sinabi ni Senador Bong Go na unahin muna ng lahat ang pagtatrabaho matapos siyang hingan ng pahayag tungkol sa pagiging nangunguna niya sa Vice Presidential survey para sa Halalan 2028. Masyado pa umano itong maaga para sa politika.
Hangad ng senador na makabalik muna ang bansa sa mabuti nitong kalagayan.
Nagpasalamat din si Sen. Go sa tiwala ng kaniyang mga tagasuporta at nangakong ipagpapatuloy ang pagtatrabaho para sa mga Pilipino.

