Arestado ang mag-asawang high-value individual drug suspects sa buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Baybayin, Rosario, Batangas.
Nasamsam sa operasyon ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 150.5 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit ₱1 milyon, isang kalibre .38 na revolver, at mga bala.
Ayon sa mga awtoridad, galing sa National Capital Region (NCR) ang ilegal na drogang ibinebenta ng mga suspek.
Nahaharap ang mag-asawa sa mga kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
| via Martin Banaag
📸: Rosario MPS


